DENR kinastigo ng environmentalists
MANILA, Philippines - Muling nakatikim ng batikos si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje matapos ang pagbabanta nitong ipapasara ang ilang sawmills na hindi ibinubunyag kung kanino o saan nanggaling ang mga kahoy na kanilang pino-proseso.
Ayon sa grupo ng Environmentalists, ang nasabing babala ay isa lamang “bogus” dahil gusto lamang umanong ipakita ng DENR na hindi sila natutulog sa trabaho para protektahan ang natural na yaman ng bansa.
Sabi pa ng environmentalists, walang sawmills kung walang punong puputulin at pino-proseso sa iba’t ibang parte ng bansa lalo na sa Mindanao.
Pero dahil pinayagan umano ni Paje na hubaran ang kagubatan sa Mindanao, ang sawmills ay matagumpay sa nasabing probinsya.
Nauna nang pinuna si Paje ng iba’t ibang sector matapos masamsam ng mga awtoridad ang iligal na troso sa Mindanao.
Ang Executive Order No. 23 ay nagbibigay ng moratorium sa pagpuputol ng puno. Pero sa kabila nito, patuloy umano ang illegal logging at hindi nahihinto sa Mindanao.
- Latest
- Trending