MANILA, Philippines - Muling nagpatikim kahapon ang mga kumpanya ng langis ng ika-walong sunod na pagtataas nila sa presyo ng petrolyo.
Dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang pangunahan ng Flying V ang pagtataas ng P.75 sentimos sa diesel, P.25 sentimos sa regular gasoline at P.60 sentimos sa kerosene.
Nagbaba naman ito ng P.45 sentimos sa kada litro ng premium at unleaded gasoline.
Sumunod din dakong alas-6 ng umaga ng kahalintulad na dagdag presyo ang Total Philippines, Chevron, PTT, Petron, Shell at Seaoil. Nagbaba rin ang mga ito ng katulad na presyo sa premium at unleaded gasoline.
Ang bagong oil price hike ay una ng inanunsyo ng Department of Energy dahil sa patuloy na nararanasang tensyon sa Gitnang Silangan at paglakas ng ekonomiya sa Europa.