DILG chief, malaking kawalan sa Aquino administration

Manila, Philippines -  Malaking kawalan sa pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo, na kasalukuyan pang hinahanap sa karagatang sakop ng Masbate.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, si Robredo ang maituturing na pinakamatinong gabinete ni PNoy na bago pa man naging DILG secretary ay kilala na niya ang kalihim dahil naging katuwang aniya ito sa kanyang krusada laban sa jueteng.

Kahit patuloy pa ring nawawala ang kalihim ay umaasa pa rin ang Arsobispo na sa tulong at milagro ng Panginoon ay matatagpuan pa rin itong buhay.

 “Si Sec. Robredo ang pinakamatino sa lahat ng gabinete ni PNoy kung kaya’t malaking kawalan siya sa administrasyon. Gayunman, umaaasa tayo at nakikiisa sa panalangin na buhay pa rin at mag-milagro ang Diyos sa kanya,” dagdag pa ni Cruz.

Umaasa rin naman si Cruz na magiging aral na sa lahat ng nasa pamahalaan ang nangyari kay Robredo na huwag nang sumakay o kumuha ng maliit na eroplano.

Show comments