Manila, Philippines - Nagpadala na ang Department of Justice (DOJ) ng five-man recovery team sa lalawigan ng Isabela para maaresto ang puganteng si Rommel Laciste, mula sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang aksiyon ay bunsod ng report na namataan sa isang barangay sa Isabela Province ang convicted murderer.
Sa ulat noong Agosto 15 ay natuklasang nakatakas si Laciste, dakong alas-2:00 ng hapon, na hinihinalang pumuslit sa pamamagitan ng pagsakay sa delivery truck na nagsusuplay ng pagkain sa NBP.
Sampung custodial officers ng NBP ang pinagpapaliwanag ni De Lima, kung bakit nakatakas si Laciste sa Bilibid.
Noong 2008 nang mahatulan ng habambuhay na pakabilanggo si Laciste dahil sa kasong panggagahasa at papatay sa isang babae na probation officer sa Isabela noong Setyembre 2006, bukod pa sa Robbery case na kinakaharap ng pugante.