^

Bansa

BDO hinirang na 'best bank' sa Pilipinas

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Sa ikatlong magkakasunod na taon, hinirang ng Hong Kong-based na publikasyon na FinanceAsia ang BDO Unibank, Inc. (BDO) na Best Bank sa Pilipinas sa taong 2012.

“Habang ang pautang ay hindi gaanong gumalaw sa Pilipinas, napanatili pa rin ng BDO Unibank ang kanyang above-industry performance sa nakaraang 12 buwan na nakapagpataas ng pautang nang 23 porsiyento kumpara sa industry average na 18 porsiyento.

Ang nasabing dedikasyon sa merkado, sa kabila pa man ng naghihirap na ekonomiya, ay ang dahilan kung bakit napanatili ng bangko ang kanyang market dominance,” ayon sa Country Awards For Achievement 2012 report ng FinanceAsia. 

Bukod sa pag-uuwi ng pinakamataas na parangal, ang BDO ay hinirang din ng banyagang publikasyon bilang Best Foreign Bank ng bansa para sa kanyang “palagiang pangunguna sa FX dealer charts.”

Ang subsidiary ng BDO, ang BDO Capital and Investment Corp. (BDO Cap), samantala, ay nanalo ng dalawang awards – bilang Best Investment Bank at Best Bond House – dahil sa kanyang ginampanang papel sa pinakamalalawak at pinakamagagaling na capital markets transactions at significant bond deals sa Pilipinas sa nakaraang 12 buwan. Ang BDO Cap ay isang consistent winner ng Best Investment Bank award mula pa noong 2006.

BDO

BEST BANK

BEST BOND HOUSE

BEST FOREIGN BANK

BEST INVESTMENT BANK

CAPITAL AND INVESTMENT CORP

COUNTRY AWARDS FOR ACHIEVEMENT

HONG KONG

PILIPINAS

UNIBANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with