5,000 sundalong Muslim sasama sa Ramadan
Manila, Philippines - Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng mga Muslim sa Eid Al-Fitr, may 5,000 kapatid na Muslim mula sa Philippine Army (PA) ang sasama sa naturang selebrasyon ngayon.
Ayon kay Major Harold Cabunoc, tagapagsalita ng PA, ang araw ng Lunes ay sumisimbolo ng banal para sa mga Muslim upang mag-fasting at makapagdasal sa Panginoon.
Sinabi nito, binigyan nila ng pahintulot ang 5,000 Muslim soldiers na mag-celebrate ng kanilang religious holiday para ipakita na nirerespeto ng PA ang kanilang karapatan para sa kanilang relihiyon at paniniwala tulad ng Kristiyano, Protestante, at iba pang religious group.
Sa ngayon, dagdag ni Cabunoc, ang PA ay mayroong dalawang Imams sa katauhan nina Maj. Farouk B Sarip ng 4th Infantry Division at Maj. Adzramien T. Sahisa ng 1st Infantry Division.
Ang dalawa ay dedicated at passionate military chaplains na ginagawa ang kanilang kakayahan para bigyan ng emotional at spiritual guidance, lalo na sa panahon ng Ramadan ang mga sundalong Muslim.
Ang Ramadan ay ginagawa tuwing ika-9 ng buwan sa Islamic calendar at kinokonsidera ng mga Muslim bilang banal na buwan na tumutukoy sa revelation ng Holy Qur’an para kay Propeta Mohammad.
Hindi lamang ang fasting, tulad ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, at pagtatalik ang dapat gawin kundi maging ang tsismisan, pagmumura, pagsisinungaling, at paninira sa kapwa ay ipinagbabawal ding gawin ng mga mananampalataya.
- Latest
- Trending