^

Bansa

Usok ng sasakyan sanhi rin ng kanser

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Maging ang iba pang air pollutants tulad ng usok na ibinubuga ng mga sasakyan na maaring maging sanhi ng kanser at iba pang sakit sa baga ay dapat din tutukan ng Malacañang at Kongreso hindi lamang ang paninigarilyo.

Ayon kay Elvis Campos ng Mamamayan Kilos: Alab ng Maralita, kung tunay ang layunin ng gobyernong bawasan kung ‘di man tuwirang mahinto ang paninigarilyo kaya dadagdagan ang buwis sa tabako, dapat ding pagtuunan ng pansin ang iba pang nakamamatay na pollutants.

Giit ni Campos mismong si Health Secretary Enrique Ona na ang umamin na ang polusyon sa hangin sa Metro Manila at iba pang siyudad ay lu­mala na siyang dahilan ng pagkalat ng mga sakit gaya ng allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases (COPD), cancer at cardiovascular diseases.

Subalit hanggang nga­yon umano ay walang hakbang na ikinakasa ang gobyerno upang limitahan ang polusyon sa hangin dahil maging ang mga Emission testing centers sa bansa ay ginagawang gatasan ng mga kaanak ng opisyal ng gobyerno.

Hindi rin umano ma­katuwiran na isisi lang ng gobyerno, mga medical groups at anti-smoking advocates sa paninigarilyo ang patuloy na paglaganap ng lung diseases sa bansa dahil kasing bagsik o mas matindi pa ang lason na nanggagaling sa usok ng mga sasakyan.

Base sa 2006 National Emission Inventory ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), natuklasan na aabot sa 65 porsyento ng air pollution ay nagmumula sa mga sasakyan at 21 porsyento ay mula sa mga pabrika at pagsusunog ng basura.

Ayon kay Ona, ang nangunang 10 naging dahilan ng kamatayan noong 2008 dahil sa polusyon ay ang chronic lower res­piratory diseases, heart disease at pneumonia, at may 200,000 Filipino umano ang namamatay taun-taon dahil naman sa mga hindi nakahahawang sakit kayat dapat na pagtuunan ng pansin ang masamang epekto ng polusyon sa kalusugan ng publiko, pedestrian at mga nagtatrabaho sa kalye.

ALAB

AYON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ELVIS CAMPOS

GIIT

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

MAMAMAYAN KILOS

METRO MANILA

NATIONAL EMISSION INVENTORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with