MANILA, Philippines - Bahagyang humina ang bagyong Helen habang ito ay nasa bisinidad ng Aparri, Cagayan.
Sa monitoring ng PAGASA, alas-11 ng umaga kahapon, ang bagyo ay namataan sa layong 40 kilometro timog timog silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hanging 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 90 kilometro bawat oras.
Nakataas pa rin ang signal no. 2 sa mga lalawigan ng Cagayan, Calayan Group of Islands,Babuyan Group of Islands, Isabela,Northern Aurora,Quirino.Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao,Mt. Province, Ilocos Sur, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, Abra at Batanes Group of Islands.
Signal number 1 naman sa Nueva Ecija,Pangasinan, Tarlac, La Union at nalalabing bahagi ng Aurora.
Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat sa posibleng banta ng flashfloods at landslides.
Isinailalim naman ang Metro Manila sa yellow alert na ibig sabihin ay kailangang mag-ingat ang mga residente dito dahil sa inaasahang mga pagbaha.