CGMA delikado sa sakit

MANILA, Philippines - Nasa delikadong sitwasyon umano at posibleng mamatay agad dahil sa sakit si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo, kayat muling inirekomenda ng kanyang doctor na magpagamot ito sa ibang bansa.

Ayon kay House Minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, inirekomenda umano ni Dr. Roberto Anastacio, doctor ni Arroyo sa Makati Medical Center (MMC) na mayoong “neuro-cervical” doctor na nakabase sa New york na maaring tumingin sa kanya at siyang mas tamang magrerekomenda ng tamang gamutan para sa sakit nito kabilang na ang rare hormonal disorder at sakit sa kanyang gulugod.

Idinagdag pa ni Suarez, mayroon na rin nadiskub­reng bukol sa kaliwang dibdib ni Arroyo kayat dapat din itong sumailalim sa eksaminasyon.

Binisita umano ng kongresista ang dating pangulo noong Lunes ng gabi kung saan nag-usap sila at sinabi umano ni Arroyo na ayaw nitong ipaalam sa publiko ang kalagayan. Ang sagot naman umano ni Suarez ay mamamatay ka na lang ayaw mo pang ipaalam sa publiko.

Show comments