Paggamit ng plastic bag sa relief goods, hiling ipagbawal
Manila, Philippines - Nais ng Caritas Manila na ipagbawal na ang paggamit ng plastic bags sa pamimigay ng mga relief goods sa iba’t-ibang evacuation centers para sa pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang matinding pagbaha lalo na sa Metro Manila.
Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, Executive Di rector ng Caritas Manila, iniiwasan na nilang gumamit ng plastic sa kanilang relief operations kaya’t nagpatahi sila ng Caritas Damayan relief bags simula pa noong Enero na gawa sa maong at “katcha” o yung supot ng harina.
Sinabi ng pari na ang environment friendly na re lief bags ay ipinatahi ng Caritas Manila sa kanilang 100 mananahi o urban poor partners sa San Pablo Apostol Parish sa Tondo, sewing livelihood center sa Laguna relocation site, Diocese of Caloocan at Diocese ng Novaliches na bahagi ng livelihood program ng Simbahan sa mga mahihirap.
“Iniiwasan natin ang plastic kaya’t nagpatahi tayo ng bag since January sa mga urban poor partners natin, supposedly mga 10,000 na relief bags na nanggagaling sa recycled katsa nakahingi tayo ng katsa at gumamit na tayo ng mga maong nang maubusan tayo ng katsa kasi nga meron tayong segunda mano at doon tayo nakahingi sa segunda mano ng mga maong na tinatahi ng mga urban poor partners natin at binabayaran natin yung mga urban poor partners kasi livelihood rin nila yun,” ani Fr. Pascual.
Kaugnay nito, bilang tulong sa kalusugan ng mga biktima ng baha, may first aid kit, hygiene pack relief bag ang Caritas Manila na itinitinda sa ibang korporasyon na isang livelihood project din ng urban poor.
- Latest
- Trending