41 top wanted kriminal nalipol
MANILA, Philippines - Umaabot sa 41 top wanted na kriminal mula sa mga organisadong grupo sa bansa ang nalipol sa puspusang anti-criminality operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa iba’t-ibang bahagi ng bansa nitong Hulyo, ayon sa opisyal kahapon.
Sa ipinalabas na accomplishment report kahapon, sinabi ni PNP –CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao kabilang dito ay ang mga nasakoteng miyembro ng mga lokal na teroristang Abu Sayyaf Group na sina Jumli Orie Manjurie alyas Salam at Ahmad Asanin alyas Abu Arsad.
Gayundin ang mga suspek na sina Dexon Saptula alyas Rene Matuti at PO1 Abbey So laiman Guiadem na sangkot sa karumaldumal na Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao na ikinasawi ng 57 katao, 32 rito ay mediamen.
Samantalang sa kabuuang 320 most wanted na kriminal, 123 rito ang nalipol ng PNP-CIDG ope ratives na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng may 45 sari-saring uri ng mga baril at 1,343 mga bala.
Binigyang diin ni Pagdilao na nakapokus ang kanilang operasyon laban sa mga organisadong grupong kriminal o mga gangs, mga wanted sa batas at pagrekober ng mga loose firearms para matiyak na magiging malinis at mapayapa ang isasagawang mid term elections sa susunod na taon.
Idinagdag pa ng opisyal na malaki ang naitulong ng mga Criminal Investigation Service (CIS) volunteers at mga tipster sa pagkakalipol laban sa naturang mga wanted sa batas.
- Latest
- Trending