MANILA, Philippines - Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang disbarment case laban kay acting Chief Justice Antonio Carpio sa isinagawang en banc session kahapon.
Ayon sa SC, ang disbarment case ni Carpio ay may immunity dahil siya ay mahistrado ng SC at maari lamang siyang maalis sa puwesto kapag siya ay na-impeach.
Matatandaan na ipinagharap ni Lauro Vizconde ng kasong disbarment case si Carpio sa Office of the Bar Confidant ng Korte Suprema.
Ang kaso ay nag-ugat umano sa pangingialam ni Carpio na maabswelto sa kaso si Hubert Webb, na inaakusahang gumahasa sa anak ni Vizconde na si Carmela at pumatay sa kaniyang mag-iina.
Kabilang din si Carpio sa nominado para sa pagka-Chief Justice.