^

Bansa

'Bulok' sa Subic nabisto!

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pinasimulan na kahapon ang imbestigasyon ng Senate committee on agriculture and food sa pangu­nguna ni chairman Sen. Francis ‘Kiko’Pangilinan, tungkol sa dalawang magkasunod na pagkasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa mga milyong pisong puslit na bigas sa bodega ng Subic Freeport kamakailan na naging daan upang mabisto na may nagaganap umanong ‘bulok’ sa loob ng Subic Freeport.

Matatandaang, unang nakasabat ang BOC ng P42.5 milyong puslit na bigas na lulan ng siyamnapung 40-footer container vans at pagkalipas lang ng ilang araw ay nasundan ito ng pagkakakumpiska sa 420,000 sako ng smuggled rice mula sa India na nagkakahalaga ng mahigit kalahating bilyong piso.

Pinuri at sinuportahan naman ng Malacañang ang pagkalkal ng Senado sa rice smuggling kasabay ng pagsaludo kay Commissioner Ruffy Biazon na personal na inatasan ng Pangulong Noynoy Aquino na lansagin ang smuggling lalo sa mga agricultural products matapos makatanggap ng reklamo ang Malacañang mula sa local farmers na naaapektuhan ng iligal na aktibidad ng importers at brokers.

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

KIKO

MALACA

MATATANDAANG

PANGILINAN

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PINASIMULAN

PINURI

SUBIC FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with