Tanauan City binigyan ng Seal of Good Housekeeping ng DILG
MANILA, Philippines - Ginawaran ni DILG Secretary Jesse Robrero ng Seal of Good Housekeeping ang Tanauan City sa ilalim ng pamumuno ni Tanauan City Mayor Sonia Torres-Aquino matapos pangunahan ng huli ang pagpapatayo ng moderno at makabagong gusali na magsisilbing opisina ng DILG at mga kakabit nitong tanggapan kagaya ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay Sec. Robredo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang lokal na pamahalaan ang nagpondo sa proyekto ng isang national government at kaakibat ng nasabing pagkilala ay ang P3 milyong gantimpala mula sa DILG. Ang nasabing proyekto na tinaguriang centralized building ng nasabing mga tanggapan ng gobyerno sa lungsod ay naisakatuparan dahil sa inisyatibong ipinamalas ni Aquino.
Sa pagsisimula ng proyekto ay nagpalabas ang pamahalaang lungsod ng Tanauan ng P50 milyon para gugulin sa konstruksyon ng nasabing gusali na kailangang-kailangan ng DILG, PNP, BFP at BJMP para sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng publiko sa nasabing lungsod.
- Latest
- Trending