^

Bansa

Brasuhan sa Customs ibinisto

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Binabraso umano ng isang Cabinet secretary na maiupo sa pwesto bilang commissioner ng Bureau of Customs (BoC) ang isa sa kanyang mga “bata”.

Ayon sa isang mapapagkatiwalaang impor­mante sa Malacañang, bata umano ng naturang presidential appointee ang dalawang opisyal sa BoC na huma­hawak ng mataas na posisyon dito. 

Kung kaya’t upang hindi aniya masagasaan ang personal na interes ng naturang cabinet secretary, nais nitong umupo bilang commissioner ng BoC ang isa dito.

Napag-alaman pa sa source na ang mga collector umano ng naturang Presidential appointee ay isang “alias Banjo” at isang “alias Jimmy”.

Hinihingian umano ng nabanggit na mga collector ang ilang mga broker o player ng P10,000 bawat isang container van na pumapasok na mga kargamento sa mga pier na nasa hurisdiksiyon ng BoC.

Sa kabila nito ayon pa sa source, malaki pa rin ang tiwala ni Pangulong Aquino sa kasalukuyang pamunuan ng BoC.

vuukle comment

AYON

BINABRASO

BOC

BUREAU OF CUSTOMS

HINIHINGIAN

ISANG

MALACA

NAPAG

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with