^

Bansa

Bagong bagyo nagbabanta

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi pa man tuluyang nakakalabas ng Pilipinas ang bagyong Gener, isang panibagong low pressure area (LPA) ang nagbabanta sa bahagi ng Ilocos Norte na tatawa­ging Helen kapag ganap na naging bagyo.

Ayon sa PAGASA, namataan ang LPA kahapon ng umaga sa la­yong 270 kilometro hilagang kanluran ng Laoag City.

Ang LPA ang nagdudulot ng mga pag-uulan sa ibang bahagi ng Luzon partikular sa Me­tro Manila.

Si Gener ay namataan sa layong 285 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hanggang 150 kilometro bawat oras.

Ngayong Huwebes, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 400 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Basco at sa araw ng Biyernes ay inaasahang nasa layong 580 kilometro hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes o nasa layong 120 kilometro ng hilagang kanluran ng Taipei, Taiwan.

Nakataas pa rin ang babala ng bagyo bilang 2 sa Batanes Group of Islands Calayan Group of Islands,at Babuyan Group of Islands at signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan at Apayao.

APAYAO

BABUYAN GROUP OF ISLANDS

BASCO

BATANES

BATANES GROUP OF ISLANDS CALAYAN GROUP OF ISLANDS

ILOCOS NORTE

KILOMETRO

LAOAG CITY

NGAYONG HUWEBES

SI GENER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with