Oktubre 1, ipinadedeklarang holiday
MANILA, Philippines - Bilang paggunita sa International Year of cooperatives, ipinadedeklara ng mga kongresista na gawing non-working holiday ang Oktubre 1, 2012.
Naghain na ng House Resolution 2467 sina Coop-Natco partylist Reps. Jose Ping-ay at Cresente Paez, Ating Koop party list Rep. Isidro Lico at Agap party list Rep. Nicanor Briones.
Ito ay upang mapalawak umano ang consciousness ng publiko sa diwa ng cooperativism at ang mahalagang papel ng mga kooperatiba para mabawasan ang kahirapan sa bansa.
Sa kasalukuyan, mayroong 21,754 na kooperatiba sa buong bansa na mayroong 7 milyon miyembro mula sa iba’t ibang sector.
- Latest
- Trending