BOC pinuri sa pagpuksa sa mga smuggler

MANILA, Philippines - Pinuri ng isang Senador ang Bureau of Customs (BOC) dahil sa kanilang kagalingan at epektibong pagpuksa sa mga smugglers na naglipana sa Aduana.

Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, hindi matatawaran ang kasipagan, kagalingan at ginagawang paghahabol at pagbuwag ni BoC Commisioner Ruffy Biazon sa mga smuggler ng iba’t ibang produkto lalo na ng bigas at iba pang Agricultural products.

Sinabi ng Senador, bunga ng ginawa ni Biazon ay naging masigla uli ang kabuhayan ng ating mga magsasaka na nagpa-angat ngayon sa ating ekonomiya.

Hinalimbawa ni Pangilinan ang nasabat ng Task Force React ni Biazon na 90 forty footer container van na nag­lalaman ng bigas sa Subic Freeport na naging ugat para maisalba nito ang pagkalugi ng maraming magsasaka sa bansa, kung ito ay naipuslit ng iligal sa merkado.  

Show comments