Dahil sa tinapyas na P5-B, Brillantes magbibitiw!
MANILA, Philippines - Nagbanta si Comission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., na magbibitiw siya sa pwesto kapag hindi naibigay ang umano’y tinapyas na P5 bilyong pondo ng komisyon.
Ayon kay Brillantes, mahalaga ang nabanggit na pondo upang matuloy ang automated elections sa 2013.
“Magre-resign ako dahil tinanggalan ako ng P5 billion. Kung walang P5 billion, e de sa inyo na lang, kayo na lang magpatakbo ng eleksyon,” aniya.
Ayon kay Brillantes, ayaw na niyang bumalik sa mano-manong eleksyon dahil mahabang panahon nila itong pinag-aralan at pinaghandaan.
“Hindi ko naman pwedeng abonohan yung P5 billion dahil kailangan namin for the automated elections at kung manual naman, ayoko na, 25 years na akong nagpa-practice ng manual, ayoko nang magpatakbo ng manual elections,” paliwanag niya.
Giit ni Brillantes, ipinaglaban ng Comelec sa Korte Suprema ang pagbili ng kontrobersyal na precint count optic scan (PCOS) machines at kalauna’y pinaboran sila nito kaya’t marapat lang ding ituloy ang automated elections.
- Latest
- Trending