MANILA, Philippines - Malabo pa ring makapagtrabaho at makadalo ng sesyon sa kamara hanggang sa susunod na linggo ang dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo kahit na nakalaya na ito at nakauwi sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City.
Sa isang mensahe na ipinadala ng tagapagsalita ni Arroyo na si Elena Bautista-Horn, sinabi nito na sasamantalahin muna ng dating pangulo ang panahon para sa kaniyang pamilya na matagal rin nitong hindi nakapiling matapos ma-hospital arrest sa VMMC.
Bukod dito, kahit ligtas na sa panganib, nangangailangan pa rin umano si GMA ng close medical attention.
Sinabi ni Horn, bukas ng umaga ay magtutungo sa Tagaytay ang dating Pangulo para sa kanyang alternative medicine.
Sa Lunes, sasailalim naman ito sa physical therapy session sa VMMC na ginagawa apat na beses isang linggo.