MANILA, Philippines - Itinalaga na ni Pangulong Aquino bilang permanenteng National Bureau of Investigation (NBI) director si officer in charge Nonnatus Caesar Rojas.
Si Rojas ang napili ng Pangulo bilang NBI chief mula sa 6 na pangalang nasa listahang isinumite ni Justice Sec. Leila de Lima.
Epektibo ang permanent appointment ni Rojas bilang NBI director simula noong July 20, ayon sa nilagdaang appointment nito ni Pangulong Aquino.
Anim na buwan bago nagdesisyon si Aquino na italaga si Rojas na unang ipinuwesto bilang OIC.
Bago hinirang na NBI, acting director si Rojas ay nagsilbi itong state prosecutor sa Region 1.
Pinalitan nito ang sinibak na NBI director na si Magtanggol Gatdula na inakusahan ng kidnapping at extortion sa isang Japanese national.
Kabilang sa mga pinagpilian ni PNoy sa posisyon sina CIDG director Samuel Pagdilao at dating PNP chief Raul Bacalzo.