^

Bansa

Swedish na walang work permit, arestado ng BI

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang Swedish national ang dinakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration dahil sa pagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang permit.

Ayon kay Atty. Ma. Antonette Mangrobang, taga­pagsalita ng BI at acting intelligence chief, ang Swedish na si Bjorn Karlson ay isa lamang sa pakay ng mission order ng Intelligence Division ng BI, sa layuning maaresto at maipadeport ang mga overstaying at undocumented aliens sa bansa.

Dinakip si Karlson sa aktong nagtuturo ng martial arts nitong Miyerkules (Hulyo 18) sa ABC Building, na matatagpuan sa San Juan City.

Bigong magprisinta si Karlson ng work permit sa kabila ng pagtatrabaho niya na   tourist visa lamang ang hawak.

Ang pagdakip kay Karlson ay sa harap na rin ng isinasagawang nationwide audit o census ng BI sa mga dayuhan na naninirahan sa buong bansa.

Noong nakalipas na Hulyo 5, pitong illegal aliens din ang natimbog ng BI intelligence agents sa ini­lunsad na census at verification status ng BI sa Clark Field, Angeles City.

Nakapiit na sa BI-Bicu­tan detention center, sa Taguig City si Karlson kung saan nakapiit din ang pito pa.  

ANGELES CITY

ANTONETTE MANGROBANG

BJORN KARLSON

BUREAU OF IMMIGRATION

CLARK FIELD

HULYO

INTELLIGENCE DIVISION

KARLSON

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with