^

Bansa

Taguig drug ring tiklo sa buy-bust

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang isang babaeng miyembro sa Tinga Drug Syndicate na nag-ope­rate sa lungsod ng Taguig ang naaresto ng mga operatiba ng Taguig Police-Drug Enforcement Unit (DEU) sa isang buy bust o­peration.

Kinilala ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang notoryus na pusher na si Elisa Tinga, alyas Ely, 53 anyos na kabilang sa top three sa listahan ng narcotics police sa mga distributor ng shabu sa lungsod habang ang dalawa pa na kasama nito ay nakilalang sina Andrea Escalante at Daniel Da­tinggaling. Nakumpiska sa pag-iingat nito ang 17 gramo ng shabu na nagkakahalaga umano ng P290,000.

Naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy bust operation noong Hulyo 14 sa Kalayaan St., Barangay Ususan.

Nabatid na si Tinga ay asawa ng kilalang drug pusher din sa lugar na si Noel Tinga alyas “Noel Puso”na pamang­kin umano ng isang pulitiko sa lungsod.

Si Tinga ang pang-pitong miyembro ng notorious “Tinga Drug Syndicate” na naaresto ng pulis simula pa noong 1996. Ilan pa sa naaresto sina Hector Tinga, Bernardo Tiñga gayundin nadakip sina Fernando, Allan Carlos at Alberto na pawang may apelyidong Tiñga sa mga katulad na kaso laban sa droga at noong nakaraang taon ay si Joel Tinga.

Agad namang pina­purihan ni Cayetano ang Taguig Police sa papamumuno ni Senior Supt. Tomas Apolinario Jr. dahil sa aktibong pagtutok nito sa illegal na droga sa lungsod.

Bago pa man ma­nung­kulan si Caye­tano sa lungsod ay isa na ang Taguig sa mga drug hot spot ng PNP ngunit unti-unti nang naalis sa Taguig ang imaheng ito dahil na rin sa ginawang pagtutok ng lokal na pamahalaan sa problema partikular na ang ginawa nitong pagpapalakas sa Taguig Anti Drug Abuse Council at pagpapatayo ng rehabilitation center para sa mga nahuhuling drug users.

Umaasa naman ang lungsod na magi­ging katuwang nila ang hudikatura sa pagsugpo sa illegal na droga, aniya, may limitasyon ang maaaring magawa ng lungsod at ng kapulisan dahil ang korte pa rin ang syang magpapataw ng parusa.

ALLAN CARLOS

ANDREA ESCALANTE

BARANGAY USUSAN

BERNARDO TI

DANIEL DA

DRUG

DRUG SYNDICATE

SHY

TAGUIG

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with