^

Bansa

18,000 posisyon pupunuan sa 2013

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Aabot sa 18,000 elective positions ang nakatakdang punuan sa idaraos na May 2013 midterm elections sa bansa.

Ayon sa Election Records and Statistics Department (ERSD) ng Comelec, kabilang sa mga national positions na pupunuan ay 12 Senador at 57 party-list representatives.

Kabilang naman sa ihahalal para sa lokal na posisyon ay ang mga miyembro ng House of Representatives (229); Gobernador (80); Bise Gobernador (80); Mi­yembro ng Sangguniang Panlalawigan (766); City Mayor (138); City Vice Mayor (138); Miyembro ng Sangguniang Panglungsod (1,532); Municipal Mayor (1,496); Municipal Vice Mayor (1,496); at miyembro ng Sangguniang Bayan (11,972).

Para naman sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay maghahalal ng isang Regional Governor; isang Regional Vice Governor at 24 na Regional Assemblymen.

Salig sa Comelec Resolution 9385, ang election period para sa 2013 midterm elections ay itinakda mula Enero 13, 2013 hanggang Hunyo 12, 2013.

Ang filing ng Certificates of Candidacy para sa lahat ng elective positions ay nakatakda mula Oktubre 1, 2012 hanggang Oktubre 5, 2012.

Itinakda ang campaign period para sa national positions mula Pebrero 12, 2013 hanggang Mayo 11, 2013 habang ang pa­ngangampanya para sa local positions ay mula Marso 29, 2013 hanggang May 11, 2013. 

AUTONOMOUS REGION

BISE GOBERNADOR

CERTIFICATES OF CANDIDACY

CITY MAYOR

CITY VICE MAYOR

COMELEC RESOLUTION

ELECTION RECORDS AND STATISTICS DEPARTMENT

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MUNICIPAL MAYOR

MUNICIPAL VICE MAYOR

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with