Singil sa tubig, tataas sa Agosto
MANILA, Philippines - Magtataas sa singil sa tubig ang mga water concessionaires na Maynilad at Manila Waters sa susunod na buwan ng Agosto.
Ayon kay Manny Quizon, spokesman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), kailangang bawiin ng dalawang water concessionaires ang kanilang lugi dulot ng pagbabago ng halaga ng piso kontra sa dolyar.
Sinabi ni Quizon na resulta ito ng foreign currency denominated loans ng MWSS na pinasan ng Maynilad at Manila Waters at ng sarili din nilang utang sa foreign currency denominated.
Ayon kay Quizon, 39 centavos per cubic meters ang itataas sa singil sa tubig ng Manila Water, habang 92 centavos naman ang itataas ng Maynilad na mararandaman ng publiko sa September bill.
Una rito, naaprubahan ng MWSS Regulatory Office ang forex petition ng Maynilad at Manila Waters sa board meeting noong nakaraang lingo dahilan para magtaas sila ng singil sa tubig.
- Latest
- Trending