Seguridad sa Asia Pacific region, tiniyak

MANILA, Philippines - Tiniyak ng bumibisitang US Pacific Command chief na si Admiral Samuel Locklear III kay Pangulong Benigno Aquino III ang patuloy na pagsuporta nila sa umiiral na US-Philippine bilateral defense alliance na 60 taon nang umiiral.

Tinanggap ni Pangulong Aquino si Admiral Locklear na pinuno ng US Pacific Command na naka-base sa Honolulu, Hawaii, sa Malacañang para sa kanyang 3-araw na pagbisita mula July 15-17.

Si Admiral Locklear ay may responsibilidad na masiguro ang kapayaan sa rehiyon kung saan ay nasasakop nito ang halos kalahati ng mundo na ang nasasakupan ay nasa 36 bansa sa Pacific.

Siniguro din ni Locklear ang seguridad sa Asia-Pacific region sa pamamagitan ng security cooperation, paghikayat ng peaceful development, pagsagot sa mga contingencies at ‘deterring agression’.

Bumisita ang US Pacific Command sa gitna ng pagkakaroon ng stand-off ng Pilipinas at China sa Panatag Shoal at pagsadsad ng isang naval missile ship ng China sa Hasa Hasa Shoal malapit sa Palawan na nasa West Philippine Sea.  

Show comments