Missile ship ng China sumadsad sa Palawan
MANILA, Philippines - Naispatan kahapon ng mga aircraft ng pamahalaan ang sumadsad na Chinese military ship na armado ng missile rockets sa loob ng teritoryong nasasakupan ng Pilipinas sa Hasa-Hasa Shoal sa Palawan.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Defense Spokesman Dr. Peter Paul Galvez kasunod ng direktiba sa Philippine Navy na puntahan at alamin ang kondisyon ng Chinese missile ship.
Gayunman, bukod sa nasabing Chinese military ship ay anim pang karagdagang barko ng China ang namataang dumating sa lugar.
Ang insidente ay pinaiimbestigahan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin upang alamin kung ano talaga ang nangyari sa nasabing Chinese vessel na nasa loob na ng teritoryo ng karagatan ng bansa.
“We are awaiting words of the Chinese government purpose of their vessel in the area,” ani Galvez.
Kamakalawa ay iniulat ng pahayagan ng Australia ang aksidente umanong pagsadsad ng missile ship ng China sa Hasa-Hasa Shoal kung saan sinabi ng China na magpapadala sila ng mga barko sa lugar upang matulungan ito.
Matatagpuan ang missile ship may 60 nautical miles sa kanluran ng Palawan na nasasaklaw ng 200 Exclusive Economic Zone.
Ikinaalarma ng mga mangingisdang Pinoy ang presensya ng Chinese vessel.
Inihayag naman ni Naval Forces West Commander Commodore Rustom Peña, handa silang tulungan ang kanilang Chinese counterpart sakaling kailanganin.
- Latest
- Trending