^

Bansa

Bus operators pinalilinaw ang fixed salary

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Humihingi ng pagli­linaw ang mga grupo ng bus operators sa Korte Suprema kung nararapat bang ipatupad ng gobyerno ang fixed salary scheme sa mga driver ng bus kasunod ng pagbawi sa ipinalabas na status quo ante order laban sa nasabing kautusan.

Batay ito sa inihaing urgent manifestation with motion for clarification ng kampo ng mga petitioner na kinabibilangan ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines.

Inihain ng petitioner ang mosyon makaraang tukuyin ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na itutuloy na nila ang pagpapatupad ng DOLE order 118-12 na naglalaman ng fixed salary scheme kasunod ng pagbawi sa Status Quo Ante Order ng SC.

Pero naninindigan ang mga petitioner na hindi naman binawi ng hukuman ang status quo ante order kundi ipinagpaliban lamang. 

Wala rin umanong nakasaad sa order of deferment ng Korte Suprema na inaatasan nito ang DOLE na ipatupad ang kinukuwestiyong kautusan.

Naniniwala ang mga petitioner na kung itutuloy ang pagpapatupad ng fixed salary scheme habang nakabinbin pa ang isusumiteng komento ng kanilang kampo, gayundin ang desisyon ng Korte Suprema ay mababalewala ang integridad ng hukuman at ang mga proseso nito at maitutu­ring din itong paglabag sa subjudice rule.  

BATAY

HUMIHINGI

INIHAIN

KORTE SUPREMA

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

NANINIWALA

PERO

PROVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

STATUS QUO ANTE ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with