MANILA, Philippines - Inamin ng mga supporters ni TESDA director-general Joel Villanueva na sila ang gumagastos sa mga tarpaulin at TV ad ni Villanueva at hindi government funds ang ginagamit dito.
Iginiit nina Ben Co, Benjamin Quinonez at Mau ra de Leon na pawang supporters ni Villanueva, na galing sa kanilang bulsa ang ibinayad nila sa pagpapagawa nila ng tarpaulin ng TESDA chief dahil sa naniniwala sila sa liderato nito.
Sinabi nina Co at de Leon na walang masama sa ginagawa nilang pagsuporta kay Villanueva sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga tarpaulin upang makita ng taumbayan ang kagandahang nagagawa ng kalihim bi lang TESDA director-general.
Iginiit naman ni Dexter Lim na may-ari ng mga outdoor LED-TV advertising, walang ibina-yad na anumang TESDA fund si Villanueva para sa kanyang outdoor advertisement para sa TESDA program na makikita sa CCP complex dahil boluntaryo niya itong ginawa dahil sa paniniwala niya sa mabuting pamamahala ng batang kalihim.
Anila, nakita nila kay Villanueva ang enerhiya at adhikain na malutas ang problema ng bansa sa kakulangan sa trabaho sa pamamagitan ng isinusulong nitong programa sa TESDA.