Pagpili ng national artist pinasisiyasat sa Kongreso

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan sa Kongreso ang pro­seso ng pagpili ng National Commission on Culture and Arts (NCCA) ng mga ginagawaran ng national artist award.

Ayon kay Anthony Castelo, ng Dakilang Lahi Foundation, dapat nang panghimasukan ng Kongreso ang usa­ping ito dahil balot na ng kung anu-anong kontrobersiya ang proseso nito.

Binigyang diin ni Castelo, masyadong eli­tista ang NCCA kaya puro classical artist ang nabibigyan nito ng parangal.

Ang tingin umano ng NCCA sa mga tunay na karapat-dapat maging national artist na gaya ni Dolphy, dating Pa­ngulong Erap Estrada at Fernando Poe, Jr. ay mga bakya.

Anya, kailangang ti­yaking malinis ang pro­seso ng NCCA dahil pondo din ng taumbayan ang ginagastos ng komis­yon.

Show comments