^

Bansa

People's Artist Award igagawad kay Pidol

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa kabiguan ng gobyerno na gawaran ng National Artist Award si comedy king Rodolfo “Dolphy” Vera Quizon, isa umanong maituturing na katumbas na pagkilala ang igagawad ng samahan ng mga artista, direktor, singers, composer, writer at mga civic leaders at NGO sa namayapang hari ng komedya.

Ayon kay singer Anthony Castelo, pangulo ng Dakilang Lahi Foundation, tatawaging People’s Artist Award ang ibibigay nilang parangal kay Mang Dolphy.

Sinisimbolo anya ng nasabing pagkilala ang pagbibigay hustisya sa kagaya ni Dolphy na pinagkaitan ng gobyerno ng isang nararapat na pagkilala para sa kaniyang naging kontribusyon sa pagningning ng sining sa Pilipinas, hindi lamang sa buhay ng maraming mamamayan kundi sa buong bansa sa larangan ng pagbibigay ng saya sa mga tao.

Sinabi ni Castelo na hindi lamang para kay Dolphy ang nasabing award kundi para na rin sa iba pang mga artista at mga nasa larangan ng entertainment na hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala ng gobyerno.

Kung maaari anya, si dating Pangulong Erap Estrada ang mag-aabot ng People’s Artist Award sa pamilyang naiwan ni Dolphy.

Idinagdag pa ni Castelo na sa kaniyang pakikipag-usap kay Estrada, sinabi umano nitong kung meron lamang award na higit pa sa national artist award ay ito ang dapat ipagkaloob sa namayapang si Dolphy dahil na rin sa nagawa nitong ambag sa pagpapasigla sa pelikulang Pilipino.

vuukle comment

ANTHONY CASTELO

ARTIST AWARD

AWARD

CASTELO

DAKILANG LAHI FOUNDATION

DOLPHY

MANG DOLPHY

NATIONAL ARTIST AWARD

PANGULONG ERAP ESTRADA

VERA QUIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with