^

Bansa

EV-71 meron na sa Pinas - DOH

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi lamang sa Cambodia laganap ang sakit na dulot ng Enterovirus-71(EV-71) kundi maging sa Pilipinas.

Inamin ni Health Assistant Sec. Eric Tayag na worldwide ang naturang virus subalit mild disease lamang ang nare-report dito sa bansa.

Aminado rin si Tayag na maaaring lumala ang sakit na idinudulot ng EV-71 sa bansa kahit walang taga-Cambodia na infected nito ang dumayo sa Pilipinas.

Nasa bituka anya ang virus na nailalabas sa tuwing dumudumi ang tao.

Iba-iba umano ang sanhi ng EV-71. Kabilang na dito ang mild hand, foot and mouth disease (HFMD), acute respiratory disease, acute flaccid paralysis (polio-like) encephalitis o paglaki ng utak.

Samantala, ang tamang pagtatapon ng baby diapers o dumi ng tao at kalinisan ang isa sa pangkontra sa pagkalat ng virus.

Hinikayat ng DOH ang mga magulang  at day-care personnel na linisin ang mga laruan upang maiwasan ang virus dahil wala pang gamot na natutuklasan para rito.

Naipapasa rin umano ang virus mula sa mga taong may ubo o sipon.

AMINADO

ERIC TAYAG

HEALTH ASSISTANT SEC

HINIKAYAT

INAMIN

KABILANG

NAIPAPASA

PILIPINAS

SAMANTALA

TAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with