^

Bansa

'Magdalo' out na sa eleksiyon

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na makakalahok sa eleksiyon ang grupong Magdalo Para sa Pagbabago na pinamumunuan ni Senador Antonio Trillanes IV matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagbabasura sa petisyon ng  senador. 

Sa ruling na sinulat ni Associate Justice Maria Lourdes Sereno, ibinasura ng Supreme Court en banc ang petisyon ni Trillanes na naglalayong maiparehistro ang kanyang grupo bilang political party na nakabase sa National Capital Region (NCR).

Kinatigan ng SC ang resolution ng Comelec noong Oktubre 26, 2009 at Enero 4, 2010 na nagbabasura sa petisyon ng senador.

Kabilang sa mga kumakatawan sa Magdalo si Trillanes bilang chairperson kasama si Francisco Ashley Acedillo (Acedillo) bilang Secretary General.

Noong Oktubre 26, 2009, ibinasura ng Come­lec–Second Division ang petition ng Magdalo. Ina­pela ng Magdalo ang ru­ling ng Comelec ngunit iyon ay binasura rin.

Nilinaw naman ng Korte Suprema na hindi nila bi­nabalewala ang agam-agam ng Comelec sa Magdalo sa usapin ng paggamit ng karahasan.

Kaya nilinaw sa ruling na sa sandaling muling maghain ng petisyon ang Magdalo ay kailangang  maghain ng individually affidavits­ ang mga opis­yal na nagsasaad na hindi sila gagamit ng anumang uri ng karahasan upang matamo ng kanilang organisasyon ang kanilang layunin.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE MARIA LO

COMELEC

FRANCISCO ASHLEY ACEDILLO

KORTE S

KORTE SUPREMA

MAGDALO

MAGDALO PARA

NATIONAL CAPITAL REGION

NOONG OKTUBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with