Malacañang may hamon sa militante
Manila, Philippines - Hinamon kahapon ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang grupong Bayan at Karapatan na maglabas ng ebidensiya na magpapatunay sa kanilang akusasyon na sangkot ang militar sa pagpatay kay Dutch missionary at environmentalist Willem Geertman.
Ayon kay Lacierda, halos iisa naman palagi ang linya ng ng mga militanteng grupo na nag-aakusa sa militar pero wala namang maiprisintang ebidensiya.
“Their line has always been like that. They have always been linking the military an that’s why I’m telling them, “look guys, if you wanna accuse the military do so with evidence,” sabi ni Lacierda.
Kung wala umanong maipakitang ebidensiya ang mga militanteng grupo ay dapat tumigil na ang mga ito sa pag-aakusa.
Ipinaalala ni Lacierda na nauna ng sinabi ng militar na bukas sila sa pangtanggap ng anumang uri ng ebidensiy.
Nauna ng pinabulaanan ng Malacañang ang akusasyon na may kaugnayan umano sa adbokasiya ng biktima na tulungan ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang pagpaslang sa kaniya.
- Latest
- Trending