^

Bansa

E-passport nilinaw

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Jet Leda na du­maan sa tamang pro­seso ng public bidding ang sinasabing multi-million peso e-passport deal na pinasok ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa DFA.

“There’s no conflict between the BSP and DFA. The e-passport project has always gone through a transparent process. All procedures dinaanan sa tamang process. Patuloy po ito sa regular procurement, bidding of supplies and services,” sabi pa nito sa isang radio interview.

Nanindigan si Leda na walang anomalya sa naturang proyekto dahil ito ay isang importanteng serbisyo-publiko.

Sinasabing ang French firm na Oberthur Technologies ang nakakuha umano ng kontrata bilang supplier ng electronic co­ver (e-cover) ng passport kung saan nakalagay ang microchip na naglalaman ng impormasyon ng passport holder gaya ng name, date at country of birth.

Nauna rito, ibinunyag ng “Concerned BSP employees” ang umano’y iregularidad sa multi-mil­yong pisong passport deal na pinasok ng Bangko Sentral sa DFA.

Sa kanilang 6-pahinang sulat, hiniling ng grupo kay BSP Gov. Amando Tetangco Jr. na maglun­sad ng mala­limang im­bestigasyon para malantad ang katotohanan tungkol dito.

Ipinadala na rin ang sulat kay Ombudsman Conchita Carpio Morales para sa kaukulang aksyon.

AMANDO TETANGCO JR.

BANGKO SENTRAL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY JET LEDA

IPINADALA

NANINDIGAN

NAUNA

NILINAW

OBERTHUR TECHNOLOGIES

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with