Fixed salary sa bus drivers, konduktor ipatupad agad - DOLE

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na agad-agad ang pagpapatupad ng fixed sa­lary ng mga driver at konduktor sa buong bansa at walang anumang palugit para dito.

Tugon ito ni Baldoz sa naging pahayag ni Atty. Grace Adducul ng Metro Bus Transport Club kung saan sinabi nito na mayroon sila hanggang sa buwan pa ng Marso sa susunod na taon bago tuluyang ipatupad ang nasabing pay scheme sa mga bus drivers at konduktor.

Sinabi pa ng kalihim na noong Enero pa inilabas ang department order na epektibo simula Hulyo 1, 2012 makakatanggap na ng buwanang sahod ang mga bus driver at konduktor sa National Capital Region (NCR).

Tiniyak naman ng kalihim na makakatanggap din ng overtime pay, night differential at incentive pay ang mga ito.

Paliwanag pa ni Baldoz, dumaan din sa konsultasyon ang nasabing pay scheme kung kaya’t wala nang dahilan upang maantala ang implementasyon nito.

Show comments