Meat holiday inatras na
MANILA, Philippines - Hindi na muna itutuloy ng National Federation of Hog Farmers Inc., (NFHFI) ang kanilang banta na maglulunsad ng panibagong meat holiday sa mga susunod na araw matapos magpakita ng suporta sa magbababoy si Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala para masawata at tuluyang ng matuldukan ang patuloy na smuggling ng karne sa bansa.
Ayon kay NFHFI Chair Daniel Javellana Jr., natuwa ang kanilang grupo sa agarang aksyon ni Sec. Alcala laban sa talamak na ilegal na pagpasok ng mga karne sa bansa. Kamakailan ay nakipagpulong si Alcala sa mga opisyal ng Bureau of Customs para pag-usapan ang problema. Agad siniguro ng BOC at DA na tutugunan nila ang problema at nangako sila na matitigil na ang smuggling ng karne.
Halos 20 percent na ng magbababoy sa bansa ang napilitang magsara dahil sa pagkalugi bunsod ng matinding smuggling.
Ayon naman kay NIA Administrator Antonio Nangel, ang mga minihydro power plant na kasalukuyang ipinapatayo sa mga irrigation system sa bansa ay nakatakda nang mapa-kinabangan ngayong Disyembre.
- Latest
- Trending

















