^

Bansa

Pagpasa ng Road Rage Law pinamamadali

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa pinakahuling insidente ng ‘road rage’sa Quezon City kung saan dalawa katao kabilang ang isang estudyante ang naging biktima ng pamamaril ng isang motorista, iginiit kahapon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos ang agarang pagpasa ng Senate Bill 2923 na tatawaging Road Rage Law.

Nais ni Marcos sa kaniyang panukala na maging mandatory ang pagbibigay ng seminar at anger management sa mga drivers na masasangkot sa ‘road rage’ na pangungunahan ng Land Transportation Office (LTO).

Aatasan din ang LTO na magbigay ng trainings at seminars kaugnay sa road rage sa mga nagnanais sumailalim dito.

Posible ring maharap sa habambuhay na kanselas­yon ng driver’s license ang mga taong masasangkot sa road rage sa sandaling maging ganap na batas ang panukala ni Marcos.

Iginiit din ng senador na mabigyan ng rewards ang sinumang magbibigay ng impormasyon na magreresulta ng pagkaaresto at conviction ng suspek na nasangkot sa road rage.

Ang reward para sa mga informers ay isasama sa taunang budget ng LTO at pananatilihing confidential ang identity ng mga magsusumbong.

vuukle comment

AATASAN

BONGBONG

DAHIL

FERDINAND

IGINIIT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

POSIBLE

QUEZON CITY

ROAD RAGE LAW

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with