MANILA, Philippines - Hiniling ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy sa Kongreso na agarang aksiyunan ang panukalang batas na magpapababa ng singil sa tawag sa cellphone.
Ito ay ang House Bill 6347 na naglalayong gawing 6 second per pulse ang singil sa cellphone calls sa halip na ang kasalukuyang per minute ang sistema ng billing.
Ayon kay Herrera-Dy, dapat nang makialam ang kongreso dahil sa pagmamatigas ng mga telecommunication companies na huwag sundin ang February 2012 na utos ng National Telecommunication Commission (NTC) na ipatupad ang per pulse na singil.