CGMA 'wag ilipat ng kulungan - Enrile
MANILA, Philippines - Kinontra ni Senate President Juan Ponce Enrile ang paglilipat kay dating Pangulong Gloria Arroyo sa isang ordinaryong kulungan dahil posibleng pag-ugatan pa ito ng mala king gulo.
“Delikado yan politically. Yun nga ang nagpabagsak sa rehimen ni President Marcos dahil may namatay. Marami ng beses na nangyari yan sa akin. Yung ngang snap election, namatay si Evelio Javier, dahil dun bumagsak din yung snap election ni Pres. Marcos kaya mahirap yung issue na yan,” sabi ni Enrile.
Napaulat na may mga naggigiit na ilagay sa ordinaryong kulungan si Arroyo dahil bumubuti na umano ang kalagayan nito.
Ipinaalala ni Enrile na naging presidente pa rin ng bansa si Arroyo at hindi pa naman ito napapatunayang nagkasala.
“Huwag naman sana dahil naging presidente yan ng bayan eh. Maski naging napakasama ng paningin ng iba sa kanya, no matter how bad they think about her she is presumed to be innocent until she is really convic ted,” sabi ni Enrile.
Ang balita pa umano ni Enrile na hindi pa rin talaga mabuti ang lagay ni Arroyo kaya hindi dapat ipilit na ilagay ito sa ordinaryong kulungan.
“Ang balita ko critical pa rin yung dating presidente, hindi makalulon at liquid lang ang kinakain nya at walang mga doctor dito na gustong humawak sa kanya. Palagay ko pag may mangyari dyan malaking usapin yan,” babala ni Enrile.
- Latest
- Trending