P30M shabu nakuha sa Malaysian couple
MANILA, Philippines - May P30 million halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nahuli ng Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal bitbit ng mag-asawang Malaysian nationals matapos dumating dito galing Hongkong sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 319.
Kinilala ni Customs Task Force on Dangerous Drugs and Controlled Chemicals (TFDDCC) chief Sherwin Andrada ang mag-asawa na sina Chandrar Nadarjan at Tami Sevki Veloo.
Ayon kay Andrada, hindi mapakali ang mag-asawa habang nasa baggage conveyor area ang mga ito kaya ng makuha nila ang kanilang bagahe at pumunta sa customs counter ay agad silang inutusan ng customs examiner na buksan ang kanilang maleta. Nagulat na lamang sila ng matuklasan na may “false bottom” ang maleta at ng kalkalin ito ay nadiskubre ang mga shabu.
Ang mag-asawa ay inilipat na sa pag-iingat ng PDEA para doon sila imbestigahan at sampahan ng kaso.
- Latest
- Trending