Paggamit ng PCOs machines sa 2013 tuloy

MANILA, Philippines - Pinaboran ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na bilhin ang 82,000 Precinct Count Optical scan (PCOs) machines ng Smartmatic para gamitin sa 2013 elections.

Sa botong 11-3 ng Su­preme Court en banc kahapon, ibinasura ng mayorya ng mahistrado ang mga petisyon na kumukwestyon sa P1.8 billion contract sa pagitan ng Comelec at Smartmatic.

Saad pa ng desisyon ng SC, existing pa ang kontrata sa pagitan ng Smartmatic at Comelec na naglalaman ng option to purchase PCOS machines at hindi pa rin umano naibabalik sa Smartmatic ang performance security bond na ibinayad nito para sa kontrata.

Kabilang sa mga su­mang-ayon sa ligalidad ng kontrata sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Justices Presbitero Velasco, Teresita Leonardo de Castro, Lucas Bersamin, Mariano del castillo, Roberto Bad, Jose Perez, Jose Mendoza, Lourdes Sereno at Bienvenido Reyes habang tumayong ponente si Justice Diosdado Peralta.

Nag-dissent o hindi pumabor sa desisyon sina Justices Estella Bernabe, Martin Villarama at Arturo Brion.

Sinabi naman ni SC acting spokesperson Atty. Gleo Guerra na hindi pa pinal ang desisyon at may 15 araw pa para maghain ang mga petitioner ng motion for reconsideration.

Show comments