Isa pang bagyo papasok

MANILA, Philippines - Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang isang bagyo na nasa southern Guam dahil sa posibleng pagpasok nito sa bansa sa araw ng Huwebes.

Sinabi ni Connie Vadivas, weather forecaster, ang nararanasang pag-ulan kahapon sa Luzon partikular sa Metro Manila at western section ng Visayas ay dulot ng habagat. Maulan din sa Mindanao dulot naman ng isang low pressure area (lpa) na namataan sa may 100 kilometro ng southern Mindanao.

Kapag pumasok na sa Pilipinas ang naturang bagyo ay tatawagin itong Butchoy.

Show comments