Barker inutas sa tapat ng bahay

MANILA, Philippines - Utas ang isang barker matapos pagbabarilin ng isang pintor mismo sa tapat ng bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Nodado General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Joey Manuel, 24, ng Bagumbong ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Isagani Leyson, 25, ng Bagong Silang.      

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente habang nakatayo sa tapat ng kanyang bahay ang biktima nang bigla na lamang pagbabarilin ng suspect.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima.  

Show comments