Ombudsman at World Bank, kapit-bisig vs katiwalian
MANILA, Philippines - Nagkapit-bisig ang tanggapan ng Ombudsman at ang World Bank (WB) matapos lumagda sa isang kasunduan bilang bahagi ng patuloy nilang paglaban sa katiwalian.
Ang kasunduan ay nilagaan nina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Leonard McCarthy, Vice President, Integrity Vice Presidency ng World Bank.
Sa ilalim ng kasunduan , ang Ombudsman at WB ay magkokonsulta sa bawat isa hinggil sa kung paano mawawalis ang katiwalian at korapsiyon sa bansa, kaakibat ang WB rules and regulations.
Maglalaan ng mekanismo ang magkabilang panig para sa mga rekomendasyon at mga inquiries hinggil sa epektibong pagpuksa sa mga katiwalian.
Layunin ng programa na mapabuti at mapalakas ang good governance, maalis ang graft and corruption at mapatindi ang accountability ng mga public officials.
- Latest
- Trending