^

Bansa

Modus sa Comelec pinaiimbestigahan

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan nina Bayan Muna party list Reps. Neri Colme­nares at Teddy Casiño ang umano’y talamak na panghihingi ng ilang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kapalit ng pagbibigay ng akreditasyon para sa party list group.

Sa House resolution 2472, hiniling din nina Colmenares at Casiño na alisin na rin ang sinisingil na P10,000 docket fee para sa paghahain ng disqualification case laban sa mga pekeng party list groups.

Sa kanilang natatanggap na impormasyon ay umaabot ng milyon ang hinihingi ng ilang opisyal ng Comelec sa party list applicants kapalit ng accreditation.

Idinagdag pa ng mga mambabatas, na nauulit na naman umano ang ganitong raket sa Comelec na dati nang nabun­yag noong nakaraang eleksyon at nagresulta pa sa pag- aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ilang persona­lidad.

Ayon kay Colmenares, kung ang isang party list group umano ay kayang bumayad ng milyones sa Comelec kapalit ng accreditation, malinaw lamang umano na hindi ito nabibilang sa mahirap at marginalized sector.

AYON

BAYAN MUNA

CASI

COLMENARES

COMELEC

IDINAGDAG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NERI COLME

PINAIIMBESTIGAHAN

SA HOUSE

TEDDY CASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with