Kandidato ng UNA agrabyado
MANILA, Philippines - Agrabyado ang ibang magiging kandidatong senador ng United Nationalist Alliance kung magiging kandidato rin nito o common candidate ang pambato ng ibang partido pulitikal.
Ito ang tinuran kahapon ni Navotas Congressman at UNA Secretary General Toby Tiangco bilang reaksyon sa mga pahayag ng iba’t-bang pulitiko na handa silang maging kandidatong senador o common senatorial candidate ng mahigit isang partido pulitikal.
“Sa unang pulong ng UNA, napagkayarian na magiging dalawa lang ang pangunahing partido sa UNA. Ang Partido ng Masang Pilipino at ang PDP-Laban. Kaya ganito rin sa mga kandidatong senador,” sabi pa ni Tiangco.
Ipinaliwanag pa niya na isa sa silbi ng isang partido pulitikal ay maieendorso ng mga kandidato nito sa kanilang mga balwarte ang kanilang mga kasamahan.
“Kung common candidate ka ng dalawang partido, sinong kandidato ang ieendorso mo? Meron nang conflict of interest,” dagdag ng mambabatas.
Idiniin ni Tiangco na dapat sa UNA lang kumandidato ang isang pulitiko at wala nang iba.
- Latest
- Trending