^

Bansa

SRS ni Recom magbibigay trabaho sa mga residente

-

MANILA, Philippines - Inilunsad ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang “Skills Registry System” (SRS) o paglalagay ng kakayahan ng mamamayan ng lungsod sa internet na layu­ning mabigyan ng hanapbuhay ang mga residente na nasa bahay lamang at walang pinagkakakitaan.

Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan ng paglalagay ng kakayahan o skills ng mga residente sa www.philjobnet.com ay mabibigyan ang mga residente ng pagkakataon upang makakuha ng trabaho kahit na hindi umaalis ang mga ito sa kanilang bahay.

Aniya, sa kasalukuyan ay aabot na sa 1,354 mga residente ang nailagay sa www.philjobnet.com at inaasahan na tataas pa ito sa mga darating na araw dahil patuloy ang paglalagay sa record at skills ng mga mamamayan ng lungsod sa natu­rang website.

Ngayong taon ay itinalaga ang mga napiling SPES sa bawat barangay at umikot ang mga ito sa bawat lugar upang kunin ang record at skills ng mga residente bago ito inilagay sa nasabing website.

ANIYA

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

INILUNSAD

NGAYONG

RECOM

RESIDENTE

SKILLS REGISTRY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with