^

Bansa

'Malinis ang konsensiya ko'

-

MANILA, Philippines - Bago ang “walkout”, emosyonal na sinabi ni Corona na malinis ang kaniyang konsensiya at wala siyang ninanakaw sa kaban ng bayan.

Unang ipinaliwanag ni Corona ang tungkol sa gulo ng pamilyang Basa-Guidote kung saan kabilang ang kaniyang asawang si Cristina.

Nagsimula umano ang sigalot ng pamilya sa 2 ektaryang lupa sa Libis, Quezon City na nagkakahalaga na ngayon ng P2.4 bilyon na inangkin umano ng tiyo ng asawa niyang si Jose Basa III.

Itinanggi rin ni Corona na mayroon siyang 82 dollar accounts at $10-$12 milyong dollar accounts gaya ng sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Apat lang umano ang kanyang dollar accounts.

Ilang ulit ding sinabi ni Corona na wala siyang ninakaw sa gobyerno at naipon niya ang kaniyang pera sa bangko dahil sa pagtitipid at pag-i-invest sa foreign exchange mula pa noong late 60’s.

Inakusahan pa ni Corona ang kasalukuyang administrasyon na ginamit ang lahat ng makinarya at puwersa ng gobyerno para siya ay siraan.

Tatlong dahilan umano ang nakikita ni Corona kaya nais siyang matanggal ni Pangulong Aquino sa puwesto.

Una umano ay ang galit ng “haciende­rong Pangulo” dahil sa pagkatalo ng pamilya nito sa kaso ng Hacienda Luisita.

“Ang lupaing ito ay ipinahiram lamang sa kanila at halos 60 taon ng pinakinabangan at pinagkakitaan at ngayon ay ayaw ng isoli,” sabi ni Corona.

Pangalawa ay ang pagnanais umano ng Malacañang na kontrolin ang tatlong sangay ng gobyerno at ang pangatlo ay ang pagmamaniobra at pagsakop ng makakaliwa at pagnanais na i-takeover ang bansa.

APAT

BASA-GUIDOTE

CORONA

CRISTINA

HACIENDA LUISITA

ILANG

JOSE BASA

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

PANGULONG AQUINO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with