^

Bansa

Balik P8 na pasahe sa jeep binatikos ng Piston

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Binatikos ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) ang Land Transportation  Franchising Regulatory Board (LTFRB) at gobyernong Aquino hinggil sa kawalan ng proseso, kawalan ng pagdinig at kawalan ng abiso na ibabalik ang minimum na pasahe sa jeep sa P8 mula sa P8.50.

Binigyang diin ni Piston national president George San Mateo na hindi tutol ang kanilang samahan sa na­ging pagbaba sa pasahe sa jeep dulot ng pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel, pero dapat anyang idinaan ito sa hearing para maisapubliko ng LTFRB kung ano ang ginamit na batayan para magkaroon ng fare rollback.

Hinala ni San Mateo na isang uri lamang umano ng papogi ng pamahalaan ang fare rollback dahil sa nalalapit na ang pasukan ng mga mag-aaral.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na  may kasunduan kamakailan ang transport group at ang ahensiya na kapag lumaro sa average na P45 kada litro ng diesel ay ibabalik sa P8 ang pasahe sa jeep. Diesel ang gamit na krudo ng mga jeep.

vuukle comment

AQUINO

BINATIKOS

BINIGYANG

CHAIRMAN JAIME JACOB

FRANCHISING REGULATORY BOARD

GEORGE SAN MATEO

LAND TRANSPORTATION

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with